Thursday, September 2, 2010

50 Ways To Know Whether You're A Martial Law Baby Or Not


  1. You first saw Herbert Bautista in Kaluskos Musmos and yu wondered why Dranreb could not pronounce the letter "R".
  2. Ang major car accessory ay ang musical backup horn.
  3. Dig-manangpinaka-sikat nahalo-halo
  4. Bumibili ka ng Vick's candy - triangularin shape; regular ang kalamansi flavors. ang mga candy/bubble gum na bilog na ibat-ibang kulay ay lima-singko. Yung puro pula na bubble gum ay cherry Balls.
  5. Nakakabili ka ng Greenwich Pizza na kalahati lang, at aliw na aliw ka sa vendo machines na nagdi-dispense ngsoftdrinks sa cup.
  6. Nagpalitngtheme song ang John en Marsha to the tune of Michael Jackson's "Don't Stop Till You Get Enough." Nagkaroon na sila ng aircon sa barong-barong nabahay pero front cover lang pala.
  7. Baduy na baduy ka sa opening ng TODAS (Televison's Outrageously Delightful All-star Show) on Channel 13 with Val Sotto, Spanky Rigor, and Freida Fonda.
  8. Si Bibeth, Mang Tem-I, Miss Tapia, Mary, at si Tonette Macho ang kasama ng TVJ sa Iskul Bukol. Kumpleto pa ang ngipin ni Richie D'Horsie.
  9. Nakikipag-debate ka kung sino ang mas magaling: si Officer John Baker o si Officer Frank Puncherelo ng CHIPS.
  10. Inaabangan mo kung ano'ng gagawin ng A-Team para makatakas at makabawi sa kalaban nila.
  11. Bagong Labas lang ang bakya na rubberized (Happy Feet brand). Malambot, dahil hindi na kahoy.
  12. Uso ang Espadrille na sapatos, Crayon shoes, at Grosby rubbershoes. Bagong labas ang top sider na sapatos, Sperry at Docksides pa lang ang tatak ng U.S.
  13. Wayfarer (orig of fake) ang shaes mo; feeling Don Johnson, Remington Steel, o Madonna.
  14. Ang Walkman ay halos kalahati ng laki ng AM radio. Malalaki rin ang cassette/radio player; mga galing Saudi. Ang pinapatugtog mo ay mga pirated tapes na may lyric sheet per mali-mali ang lyrics.
  15. Kapag 25cents ang ibinigay mo sa mga nangagaroling na bata eh hindi ka kakantahan ng "Thank you, thank you, ang babarat ninyo, thank you."
  16. Cloverleaf ang usong term, at hindi flyover.
  17. Singko lang ang isang fishball. Wala pang squidball at kikiam.
  18. Magaling ka sa Math kasi mayroon kang matabang ballpen na may built-in multiplication table na iniikot, at ballpen na napakaramig option sa kulay at tinta, karamihan naman ay hindi makita o tuyo na.
  19. Uso ang Texas bubble gum na kahit anong gawin mo ay hindi maaalis sa buhok mo pag nadikit.
  20. Sikat ang Gusto Root Beer, Sunta & Mirinda Orange, RC Cola, and Sarsi with egg (with Danny Vanni - Masarap na, masustansiya pa!)
  21. Pinapanood mo ang patalastas na Caronia Nail Polish with the 4 pa-sexy girls sa TV.
  22. Inaabangan mo tuwing Linggo ang music videos on VH1 or Video Hit Parade (wala pang MTV sa Pinas) before noon, followed by Spin-A-Win at lunch time (Jean Young), and Lovingly Yours (Helen Vela - Channel 7). Then Happy Days, Electrawoman, and Dyna Girl (Channel 9) in the early afternoon;p and Superstar (Nora Aunor and German Moreno - Channel 9) at dinner time. Then capping it all off with Marvelous Golden Movies (MGM).
  23. Inaabangan mo sa TV ang Lotlot, Lotlot and Monching, Lotlot and Friends, That's Entertainment, at That's Entertainment Saturday Edition.
  24. Paborito mo ang Uncle Bob's Luchky 7 Club show sa Channel 7.
  25. You had a 2-Peso bill (blue color) in your wallet. Puro ganoon pa ang binibigay ng lolo/lola tuwing pasko.
  26. Ang piso na dirty ice cream ay yung matamis na apa na ang ginagamit at maraming scoops, minsan may chocolate dip pa.
  27. Bring your own baso sa iskrambol, hindi pa rin uso ang powdered milk at chocolate syrup.
  28. Ang standard greeting ay "Give me Five!" na nag-evolve into "Appear!"
  29. Biggest name in ice cram ay Magnolia kaya inaabangan mo ang susuond na Flavor of the Month. Papel lang ang balot ng mga frozen delights, hindi pa foil, except yung Vanilla Ice Cream Wafer Sandwich nila. May sundae sila na tinatanggal ang top cover at nilalagya sa ilalim para maging base.
  30. ang Christmas package na inuuwi ng magulang mo ay may kasamang malaking keso de bola at hilaw na Chinese ham (buong leg na nakabalot ng Craft at plastic na net na kulay pula).
  31. Naabutan mo ang Love Bus (the only aircon public bus), JD (red and black), MCL (Blue and Yellow), DM (white and blue) bus lines. Pati na rin yung bus sa Quiapo na walang pinto pero open yung isang side. Dito raw natutong mag-stuntman is Lito Lapid.
  32. Pumpunta ka sa music store para tumingin ng LPs, 45, at Jingle magazine o Songhits. Pwede mo lang pakinggan ang plaka kung bibilhin mo na talaga.
  33. Ang bakla lang sa showbiz ay si Georgie Quizon (utol ni Dolphy) and Sandy Garcia (mestisohin na may bigote, kulot ang buhok, at balbunin).
  34. Nagkakabuhol-buhol ang cord ng remote control ng Betamax niyo dahil buong araw ka nanonood. Break mo lang ay para kumain, mag-CR, at para lumamig uli ang Betamax unit. Madali pang dumumi ang head kasi hindi pa uso ang rewinder. Kung mayroon man kayo eh one way lang siya, rewinding lang, wala pang option na forward.
  35. Ang pinakamabentang poster ay kay Shaun Cassidy, Leif GArret, Bruce Lee, Scott Baio, Farrah FAucet, Phebe Cates, at Bo Derek (kuha sa movie na 10). Kung sosyal ka, showbiz magazine mo ay Tiger Beat. Kung baduy ka eh Jingle Extra Hot.
  36. Pinapanood mo at pinakikinggan ang Menudo with Robbie Rosa as the most sikat of all members. Nakyu-kyutan ka lang kay Ricky Martin kasi sya ang pinakamaliit.
  37. Royco Chicken Noodle Alphabet Soup ang kinakain mo pag nilalagnat ka, tapos hahaluan mo pa ng Dinurog na Skyflakes.
  38. Kilala mo ang tawa ni Bert "Tawa" Marcelo. P50 daw ang talent fee niya bawat tawa.
  39. You shut off your TV and watch the white spot in the middle of the screen slowly disappear.
  40. Pagandahan ng metal lunchboxes (various cartoon or movie themes), matching Aladdin or Thermos brand (na madaling mabasag ang loob).
  41. Sumasakay ka sa jeepney na puro kabayo ang hood, tadtad ng mahahabang antenna, at halos ntakpan na ang windshield ng 8-track tapes.
  42. You enjoy watching the music video of the We Are The World version of the Philippine National Anthem.
  43. You watch movies at Cinerama sa kanto ng Recto and Quezon Blvd. (Isetann na ngayon), Delta and Circle Theater sa Timog Ave. and Quezon Ave., Rizal Theater sa Makati (Shangri-La Hotel na ngayon), and Magallanes Theater (giniba na).
  44. Iniinom mo ang Mango Brutus nang madalian sabay sakit ang ulo dahil sa sobrang lamig: brain freeze.
  45. Bumibili ka ng Cattleya notebooks, Funny Friends scented ballpens,and other school supplies at Alemar's and Gibson's bookstores.
  46. Lahat ng PBA at Holiday on Ice ay ginaganap sa Araneta Coliseum. Hindi pa uso ang "ending."
  47. Lahat ng waiter sa Shakey's Pizza Parlor ay may suot na stryropore na sumbrero (yellow, with red strip of paper where "Shakey's" is printed). may mini version din sila para sa dulo ng antenna ng radyo o TV. Panonoorin mo pa kung paano ginagawa ang pizza sa viewing window nila.
  48. You are home by 12midnight dahil may curfew, kasi nga Martial Law.
  49. Sa Quiapo at Binondo pa pupunta para makabili ng talagang masarap na hopia. Tapos shopping ka na sa Good Earth Emporium sa Sta. Cruz (Uniwide na ngayon) and be amazed by their candy selection on trays in a conveyor-belt type of machine.
  50. Naabutan mo ang Maalikaya when it first opened. When it was first raidedand closed. When it was re-opened. When it was re-raided and closed. When it was opened again. When it was raided and closed again. When they opened it again. When they raided and closed it again. When...


0 comments:

Post a Comment

 

Kuwentong Pinoy. Copyright 2010 All Rights Reserved