Tuesday, September 14, 2010

Pangkabataang Ensayklopediya


Conyo naman ang kabaligtaran ng mga jologs. Eto yung mga kabataan my sinasabi sa buhay, di nagsusuot ng mga damit na peke, di nanonood ng mga pelikulang Tagalog, at di alam kung ano ang "Champoy." Sinasabing sila, angmga conyo, ang nagpauso ng salitang "jologs," para tukuyin ang mga taong laging nakiki-"in"... pero out pa rin! Ngayon, kung saan naman nanggaling ang salitang conyo at kung bakit ganito ang tawag sa kanila, hindi ko na alam.

Napakabilis ng wikang Pilipino mamunga ng mga bagong salita, dahil na rin siguro sa likas nating pagkamalikhain. Isipin mo na lang, meron pala tayong mga natatagong Filipino scientific terms, hindi natin alam. Eto, subukan mong tagalugin ang mga sumusunod.

  1. Effective
  2. Handicraft
  3. Multiplication
  4. Bone
  5. Seed
  6. Radiation
  7. Soil
  8. Land
  9. Oxidation
  10. Chemical reduction
  11. Nimbus cloud
  12. High tide
  13. Fog
  14. Cloud
  15. Electricity
  16. Electromagnet
  17. Electroflow
  18. Electric field
Hirap, 'no?

Siguro hindi mo pa nabalitaan yung tungkol sa librong "Pangkabataan Ensayklopediya sa Agham at Teknolohiya." Tintukoy dito na ang salitang "effective" ay hind na kailangang tukuyin bilang "epektibo." Sa wika natin, ang "effective" ay "mabisa."

Ganon din, ang "handicraft" e hindi "handikrap" kundi "gawang-kamay"; ang "multiplication" ay hindi "multiplikasyon," kundi "pagpaparami."

Para naman sa mga salitang Tagalog na may dalawang kahulugan tulad ng buto, ginamit na ng mga mananaliksik ang mga dialect natin bilang standard terms. Halimbawa, ang salitang Visaya na nangangahulugang buto ng halaman. At para hindi nakakalito, ang "dalin" naman ng Pangasinan ay ang Pilipino ngayong ng "soil," kung ang pinag-uusapan e "land," gagamitin natin ang "lupa."

Hiniram din natin ang salitang "dagulan" sa mga Kapampangan para tukuyin ang "oxidation," at ang kabaligtaran nitong "latian" upang mangahulugan ng "chemical reduction." Siyempre, alam nating ang Tagalog ng "cloud" e "ulap," pero alam mo bang ang "fog" e "ulop"? Ala eh, salamat sa mga BatangeƱo! Hindi pa 'yan tapos!

Ipinahiram din ng Batangas ang "taog" para sa "high tide." Samantala, dapat din tayong magpasalamat sa salitang "dagim" ng Laguna na nangangahulugang "nimbus cloud," at sa salitang "raniag" ng mga Ilocano para tukuyin ang "radiation."

Oo, tinatawag na nating "kuryente" ang "electricity," pero ayon sa mga mananaliksik, ang totoong Tagalog nito ay "dagitab." An unang pantig nitong "dag-" ay ginagamit para tukuyin ang anumang bagay na may kinalaman sa electricity. Bale ang "dagbalani" ay nangangahulugangn "electromagnet," ang "dagdaloy" ay "electric flow," at ang "daglarangan" ay "electric field." Kaya lang, bago mo gamitin ang mga salitang 'to, siguraduhing alam ng mga kasambahay mo kung ano ang ibig sabihin ng dagitab. Para alam nila ang gagawin pag sumigaw ka ng, "Saklolo! Nadagitab akoooo!!!"

0 comments:

Post a Comment

 

Kuwentong Pinoy. Copyright 2010 All Rights Reserved