Noong unang panahon ang balat ng kalabaw ay hindi katulad ng sa ngayon. Ganoon din ang sa baka. Silang dalawa ay mabuting mag-kaibigan. Isang araw, ang kalabaw ay niyaya ng baka na maligo sa isang ilog. Pagdating nila roon, hinubad ang kanilang damit at tumalon sila sa tubig.
Ilang oras ang nakaraan, naalala ng kalabaw na tanghali na at sila ay kailangan ng kanilang amo. Sinabi niya sa kanyang kasama na mabuti pa ay sila ay umuwi na. Ibig na ring umuwi ng baka. Sa kanilang pagmamadali ang damit ng baka ay naisuot ng kalabaw at ang damit naman ng kalabaw ay naisuot ng baka. Hindi nila naalala hanggang naabutan sila ng kanilang amo, at hinabol sila pauwi.
Hanggang ngayon hindi pa sila nagpapalitan ng damit.
0 comments:
Post a Comment