Ang katipunan ay ang fraternity ni master Andres na naglalayong mapalaya ang Pilipinas sa kamay ng Espanya. Para makasali ka sa Kataastaasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (Katipunan, for short), ang kailangan mo lang ay mag-recruit ka rin ng dalawa pang miyembro na hindi magkakilala (parang networking), tapos magbabayad ka ng entrance fee (parang disco) na isang real fuerte (25 cents) at monthly due na medio real (12 cents). May initiation din, pero sa palagay ko walang pina-paddle at namamatay sa bugbog. At palagaya ko rin, hindi ka na dito pipila ng pagkahaba-haba at pagkatagal-tagal gaya ng sa mga government offices natin na puno ng red tape!
Itinatag ang Katipunan sa mismong gabi ng pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan. Naisip yata ni Bonifacio na kailangang rumesbak. Pero low profile 'tong si Ka Andres, dahil kahit alam n'yang s'ya ang bida sa pelikula, hindi s'ya ang naging presidente ng samahan, ipinaubaya n'ya muna ito kina Deodato Arellano at Roman Basa, tsaka lang s'ya namuno nung hindi s'ya nakuntento sa dalawa pagkaraan ng ilang taong paninilbihan. (Kung mabubuhay si Bonifacion ngayon, tiyak, mamamatay din s'ya sa kunsumisyon dahil sa klase ng mga pamunuan natin. Pero balik muna tayo sa kwento...)
Siyempre pa, pag ganito ka-"cool" ang barkada, meron kayong protocols at mga secret codes. Pero higit sa apat na beses yata nagpalit ng codes sila Boni dati dahil magaling mag decipher ang mga Kastila. (Hackers?)
Sa Tondo ipinanganak si Bonifacio. Erpat n'ya si Santiago Bonifacio at ermat si Catalina de Castro na s'ya namang ina ni Noli de Castro (Biro lang!) Kapatid n'ya sila Ciriaco, Procopio, Espiridona, Troadio at Maxima. (Tunog mga herbal edicine, pero pangalan 'yan ng mga totoong tao noon.)
Mahirap lang sila Andres, pero masipag s'ya. At hindi man pinalad na magkaroon ng magandang edukasyon, lumakinaman s'yang may alam dahil mahilig magbasa. Ilan sa mga paborito n'yang libro ay ang Les Miserables ni Victor Hugo, The Wondering Jew ni Eugene Sue, ABNKKBSNPLAko?! ni Bob Ong (biro lang ulit!), Ruins Of Palmyra, ang International Law, ang Penal and Civil Codes, ang dalawang nobela ni Rizal, mangilan-ngilan pang nobela, iisang aklat tungkol sa French Revolution, at ang The Lives Of The Presidents Of The United States (wala pa noon si Clinton, kaya malamang e wala pang Kama Sutra for Dummies).
Sa edad ng mga kabataan ngayon na walang ginawa kundi mag-Counter Strike, si Andres e nagtatrabaho bilang isang clerk-messenger. At ito ay nang grumadweyt na s'ya sa pagtitinda ng mga papel na pamaypay. Walastik, ang sipag! Naging inspirasyon n'ya ang pag-ibig nina Monica, at Gregoria de Jesus... pero makasunod 'yan, hindi sabay, dahil hindi naman s'ya kasing playboy ni Ka Jose.
Pero kung bakit si Rizal at hindi si Bonifacio ang pambansang bayani natin, at kung ano ang totoong kinalaman ni Aguinaldo sa kwento ni Bonifacio, ay mahabang kwento at ibang usapan na. Ang importante sa ngayon ay nagkaroon ka ng crash course sa nationalism at nalaman mo kung bakit walang pasok pag November 30.
Showing posts with label Kuwentong Barbero. Show all posts
Showing posts with label Kuwentong Barbero. Show all posts
Thursday, October 21, 2010
Pangangalakal Gamit ang Boses
Kapansin-pansin kung paano gamitin ng Pinoy ang boses nya sa pangangalakal. Halimbawa, sino ba naman ang hindi mapapangiti tuwing madadaan sa mga ukay-ukay ng Divisoria at makakarinig sa lalakeng naka-megaphone na sumisigaw ng ganito:
"LAPIT, LAPIT NA... BRIEF PARA KAY KUYA, PANTY PARA KAY BABY... HALUKAYIN, PILI NA, ANIM-ISANG DAAN, <*nakakita ng isang matanda *> OOPS, NANDITO NA SI LOLA BIBILHAN NG BRIEF SI LOLO... HAL-LAH, SIG-GEH,HALUKAYIN NA... <*nakapili na ang matanda*> NAGUSTUHAN NI LOLA ANG PINK NA PANTY... OOPS, IBINALIK... PINALITAN NG PULA... PULA ANG TRIP NI LOLA!!!"
Totoo 'yan, Todong sigaw. Mula pagsikat hanggang paglubog ng araw. Pitong araw sa isang linggo. Tuloy-tuloy.
Ganyan din ang trip ng mga starter o "barker," mga taong taga-sigaw ng biyahe ng jeep at taga-tawag ng pasahero. "CUBAO, CUBAO... DALAWA NALANG, AANDAR NA!" Minsan kahit dalawa na lang ang kasya sa jeep, sisigaw sila ng "Apat pa! Apat pa!" para mapilitan sumakay ang mga pasaherong ayaw sa masikip. Samantalang ang gusto naman ng mga barker e yung tipong magdidikit na yung mga tuhod ng pasahero sa sobrang siksik, at tumbong na lang ang sasayad sa upuan. Pag sinabi nilang "Kasya pa... konting ipit lang po!" patay na. Ibig sabihin noon walang hihinga, kailangan pahintuin ang sirkulasyon ng dugo mo habang nagbi-biyahe.
lamang ang mga barker sa mga manlalako dahil di nila kailangan maglakad, pero mas pwersado naman ang lalamunan nila sa pagsigaw. Isang beses napasakay ako sa jeep na may babaeng barker. Dahil matining ang boses nya, kailangan nya talagang sumigaw nang buong lakas para makipagkumpitensya sa ingay ng mga sasakyan sa daan. Di ko alam kung hahanga ako o maaawa.
"LAPIT, LAPIT NA... BRIEF PARA KAY KUYA, PANTY PARA KAY BABY... HALUKAYIN, PILI NA, ANIM-ISANG DAAN, <*nakakita ng isang matanda *> OOPS, NANDITO NA SI LOLA BIBILHAN NG BRIEF SI LOLO... HAL-LAH, SIG-GEH,HALUKAYIN NA... <*nakapili na ang matanda*> NAGUSTUHAN NI LOLA ANG PINK NA PANTY... OOPS, IBINALIK... PINALITAN NG PULA... PULA ANG TRIP NI LOLA!!!"
Totoo 'yan, Todong sigaw. Mula pagsikat hanggang paglubog ng araw. Pitong araw sa isang linggo. Tuloy-tuloy.
Ganyan din ang trip ng mga starter o "barker," mga taong taga-sigaw ng biyahe ng jeep at taga-tawag ng pasahero. "CUBAO, CUBAO... DALAWA NALANG, AANDAR NA!" Minsan kahit dalawa na lang ang kasya sa jeep, sisigaw sila ng "Apat pa! Apat pa!" para mapilitan sumakay ang mga pasaherong ayaw sa masikip. Samantalang ang gusto naman ng mga barker e yung tipong magdidikit na yung mga tuhod ng pasahero sa sobrang siksik, at tumbong na lang ang sasayad sa upuan. Pag sinabi nilang "Kasya pa... konting ipit lang po!" patay na. Ibig sabihin noon walang hihinga, kailangan pahintuin ang sirkulasyon ng dugo mo habang nagbi-biyahe.
lamang ang mga barker sa mga manlalako dahil di nila kailangan maglakad, pero mas pwersado naman ang lalamunan nila sa pagsigaw. Isang beses napasakay ako sa jeep na may babaeng barker. Dahil matining ang boses nya, kailangan nya talagang sumigaw nang buong lakas para makipagkumpitensya sa ingay ng mga sasakyan sa daan. Di ko alam kung hahanga ako o maaawa.
Tuesday, September 14, 2010
Pangkabataang Ensayklopediya
Conyo naman ang kabaligtaran ng mga jologs. Eto yung mga kabataan my sinasabi sa buhay, di nagsusuot ng mga damit na peke, di nanonood ng mga pelikulang Tagalog, at di alam kung ano ang "Champoy." Sinasabing sila, angmga conyo, ang nagpauso ng salitang "jologs," para tukuyin ang mga taong laging nakiki-"in"... pero out pa rin! Ngayon, kung saan naman nanggaling ang salitang conyo at kung bakit ganito ang tawag sa kanila, hindi ko na alam.
Napakabilis ng wikang Pilipino mamunga ng mga bagong salita, dahil na rin siguro sa likas nating pagkamalikhain. Isipin mo na lang, meron pala tayong mga natatagong Filipino scientific terms, hindi natin alam. Eto, subukan mong tagalugin ang mga sumusunod.
- Effective
- Handicraft
- Multiplication
- Bone
- Seed
- Radiation
- Soil
- Land
- Oxidation
- Chemical reduction
- Nimbus cloud
- High tide
- Fog
- Cloud
- Electricity
- Electromagnet
- Electroflow
- Electric field
Hirap, 'no?
Siguro hindi mo pa nabalitaan yung tungkol sa librong "Pangkabataan Ensayklopediya sa Agham at Teknolohiya." Tintukoy dito na ang salitang "effective" ay hind na kailangang tukuyin bilang "epektibo." Sa wika natin, ang "effective" ay "mabisa."
Ganon din, ang "handicraft" e hindi "handikrap" kundi "gawang-kamay"; ang "multiplication" ay hindi "multiplikasyon," kundi "pagpaparami."
Para naman sa mga salitang Tagalog na may dalawang kahulugan tulad ng buto, ginamit na ng mga mananaliksik ang mga dialect natin bilang standard terms. Halimbawa, ang salitang Visaya na nangangahulugang buto ng halaman. At para hindi nakakalito, ang "dalin" naman ng Pangasinan ay ang Pilipino ngayong ng "soil," kung ang pinag-uusapan e "land," gagamitin natin ang "lupa."
Hiniram din natin ang salitang "dagulan" sa mga Kapampangan para tukuyin ang "oxidation," at ang kabaligtaran nitong "latian" upang mangahulugan ng "chemical reduction." Siyempre, alam nating ang Tagalog ng "cloud" e "ulap," pero alam mo bang ang "fog" e "ulop"? Ala eh, salamat sa mga BatangeƱo! Hindi pa 'yan tapos!
Ipinahiram din ng Batangas ang "taog" para sa "high tide." Samantala, dapat din tayong magpasalamat sa salitang "dagim" ng Laguna na nangangahulugang "nimbus cloud," at sa salitang "raniag" ng mga Ilocano para tukuyin ang "radiation."
Oo, tinatawag na nating "kuryente" ang "electricity," pero ayon sa mga mananaliksik, ang totoong Tagalog nito ay "dagitab." An unang pantig nitong "dag-" ay ginagamit para tukuyin ang anumang bagay na may kinalaman sa electricity. Bale ang "dagbalani" ay nangangahulugangn "electromagnet," ang "dagdaloy" ay "electric flow," at ang "daglarangan" ay "electric field." Kaya lang, bago mo gamitin ang mga salitang 'to, siguraduhing alam ng mga kasambahay mo kung ano ang ibig sabihin ng dagitab. Para alam nila ang gagawin pag sumigaw ka ng, "Saklolo! Nadagitab akoooo!!!"
Friday, September 3, 2010
How jolog are you?
Hindi mo alam kung ano ang jologs? May mga nagsasabing jologs ka raw kung mas gusto mo ang Hiwaga Komiks, Luneta, at Renz Verano, kesa sa Harry Potter, Starbucks, at Brian McKnight. Sabi naman sa Cybertambayan.com, jologs ka rin kung naki-uso ka, o naging pamilyar, sa kung ano man ang "in" sa isang partikular na panahon. Malabo pa rin? Eto ang isang quiz para malaman ang Jologs Quotient mo:
- Ano ang title ng sitcom ni Lito Pimentel kung saan lumalabas na tatay niya si Balut? (1pt.)
- Sino ang ka-loveteam niya dito? (1pt.)
- Ano ang pangalan ng lola sa Flor de Luna? (1pt.)
- Ano ang pangalan ng katulong sa Flor de Luna? (1pt.) Anon'g apleyido nila Flor at Rene Boy? (1pt.) Sinong gumanap na yumaong ina ni Flor de Luna? (1pt.)
- Ano ang pamagat ng sitcom na pinapalabas bago ang mga reobot cartoons sa Channel 7? Sinong bida dito? (2pts.)
- Siong gumanap sa Kulit Bulilit na lumabas din sa pelikulang Macho Dancer? (1pt.)
- Ano'ng pamagat ng soap opera kung saan lumabas ang mga tauhan na sina Carding, Luisa, at Peping? (1pt.) Sinu-sinong mga artista ang gumanap sa kanila? (3pts.)
- ano ang pamagat ng pelikula kung saan lumabas si Rio Locsin bilang isang daga? (1pt.)
- Sinu-sino ang mga softdrink beauties? (3pts.)
- Sinong artista ang pumukpok ng microphone kay Dr. Rey dela Cruz sa TV sho na See True? (1pt.) Sino ang anak niya? (1pt.) Ano ang children's show na nilabasan niya? (1pt.)
- Saan sitcom unang lumabas si Miss Tapia ng Iskul Bukol? (1pt.) ano ang totoong pangalan ni Mang Temi? (1pt.) Ano'ng buong pangalan ni Vic? (1pt.) Sinong gumanap na ama ng Escalera Brothers? (1pt.)
- Sino ang mga bida sa Bagets? (5pts.)
- Sinu-sino ang cast ng Champoy? (6pts.)
- Saan sitcom unang tinawag na Bistek si Herbert Bautista? (1pt.)
- Ano ang title ng sitcom ni Apeng Daldal? (1pt.)
- Ano ang pangalan ng mga anak nila John and Marsha? (3pts.)
- Ano ang pangalan ng asawa ni Rolly sa John and Marsha? (1pt.)
- Sino ang ka-loveteam ni Nikki Martel? (1pt.)
- Ano ang pelikula nina Aga Muhlach at Herbert Bautista after Bagets? (hindi Bagets 2, ha.) (1pt.)
- Saang TV show laging pinapatugtog ang "It's my turn to see what I can see" sa closing credits? (1pt.)
- Ano ang pangalan ni Freddie Webb sa Chicks to Chicks? (1pt.)
- Sino ang cast ng Triple Treat? (3pts.)
- Ano ang title ng movie ni Kuya Germs at ano ang theme song dito? (2pts.)
- Ano ang unang TV series ni Judy Ann Santos? (1pt.)
- ano ang unang variety show ni Lea Salonga? (1pt.)
- Ano'ng title ng sitcom nina Ading Fernando, Lilian Laing, janice Jurado at Soxy Topacio? (1pt.) Ano ang pangalan ni Janice Jurado dito? (1pt.)
- Ano'ng pangalan ng foreign actor na kakambal ni Maricel Soriano sa Ang Boyfriend Kong Kano? Mayroon din siyang commercial (Sarsi with egg). (1pt.)
- Sino ang ka-partner ni Rey "PJ" Abellana sa Anna Liza? (1pt.)
- Ano ang title ng TV show nila Agot Isidro, William Martinez, at Strawberry? (1pt.)
- Sino ang ka-love triangle nila Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta? (3pts.)
Thursday, September 2, 2010
50 Ways To Know Whether You're A Martial Law Baby Or Not
0
comments
7:01 PM
Posted by
anaksilip
Labels: 50 Ways To Know Whether You're A Martial Law Baby Or Not, Kuwentong Barbero
Labels: 50 Ways To Know Whether You're A Martial Law Baby Or Not, Kuwentong Barbero
- You first saw Herbert Bautista in Kaluskos Musmos and yu wondered why Dranreb could not pronounce the letter "R".
- Ang major car accessory ay ang musical backup horn.
- Dig-manangpinaka-sikat nahalo-halo
- Bumibili ka ng Vick's candy - triangularin shape; regular ang kalamansi flavors. ang mga candy/bubble gum na bilog na ibat-ibang kulay ay lima-singko. Yung puro pula na bubble gum ay cherry Balls.
- Nakakabili ka ng Greenwich Pizza na kalahati lang, at aliw na aliw ka sa vendo machines na nagdi-dispense ngsoftdrinks sa cup.
- Nagpalitngtheme song ang John en Marsha to the tune of Michael Jackson's "Don't Stop Till You Get Enough." Nagkaroon na sila ng aircon sa barong-barong nabahay pero front cover lang pala.
- Baduy na baduy ka sa opening ng TODAS (Televison's Outrageously Delightful All-star Show) on Channel 13 with Val Sotto, Spanky Rigor, and Freida Fonda.
- Si Bibeth, Mang Tem-I, Miss Tapia, Mary, at si Tonette Macho ang kasama ng TVJ sa Iskul Bukol. Kumpleto pa ang ngipin ni Richie D'Horsie.
- Nakikipag-debate ka kung sino ang mas magaling: si Officer John Baker o si Officer Frank Puncherelo ng CHIPS.
- Inaabangan mo kung ano'ng gagawin ng A-Team para makatakas at makabawi sa kalaban nila.
- Bagong Labas lang ang bakya na rubberized (Happy Feet brand). Malambot, dahil hindi na kahoy.
- Uso ang Espadrille na sapatos, Crayon shoes, at Grosby rubbershoes. Bagong labas ang top sider na sapatos, Sperry at Docksides pa lang ang tatak ng U.S.
- Wayfarer (orig of fake) ang shaes mo; feeling Don Johnson, Remington Steel, o Madonna.
- Ang Walkman ay halos kalahati ng laki ng AM radio. Malalaki rin ang cassette/radio player; mga galing Saudi. Ang pinapatugtog mo ay mga pirated tapes na may lyric sheet per mali-mali ang lyrics.
- Kapag 25cents ang ibinigay mo sa mga nangagaroling na bata eh hindi ka kakantahan ng "Thank you, thank you, ang babarat ninyo, thank you."
- Cloverleaf ang usong term, at hindi flyover.
- Singko lang ang isang fishball. Wala pang squidball at kikiam.
- Magaling ka sa Math kasi mayroon kang matabang ballpen na may built-in multiplication table na iniikot, at ballpen na napakaramig option sa kulay at tinta, karamihan naman ay hindi makita o tuyo na.
- Uso ang Texas bubble gum na kahit anong gawin mo ay hindi maaalis sa buhok mo pag nadikit.
- Sikat ang Gusto Root Beer, Sunta & Mirinda Orange, RC Cola, and Sarsi with egg (with Danny Vanni - Masarap na, masustansiya pa!)
- Pinapanood mo ang patalastas na Caronia Nail Polish with the 4 pa-sexy girls sa TV.
- Inaabangan mo tuwing Linggo ang music videos on VH1 or Video Hit Parade (wala pang MTV sa Pinas) before noon, followed by Spin-A-Win at lunch time (Jean Young), and Lovingly Yours (Helen Vela - Channel 7). Then Happy Days, Electrawoman, and Dyna Girl (Channel 9) in the early afternoon;p and Superstar (Nora Aunor and German Moreno - Channel 9) at dinner time. Then capping it all off with Marvelous Golden Movies (MGM).
- Inaabangan mo sa TV ang Lotlot, Lotlot and Monching, Lotlot and Friends, That's Entertainment, at That's Entertainment Saturday Edition.
- Paborito mo ang Uncle Bob's Luchky 7 Club show sa Channel 7.
- You had a 2-Peso bill (blue color) in your wallet. Puro ganoon pa ang binibigay ng lolo/lola tuwing pasko.
- Ang piso na dirty ice cream ay yung matamis na apa na ang ginagamit at maraming scoops, minsan may chocolate dip pa.
- Bring your own baso sa iskrambol, hindi pa rin uso ang powdered milk at chocolate syrup.
- Ang standard greeting ay "Give me Five!" na nag-evolve into "Appear!"
- Biggest name in ice cram ay Magnolia kaya inaabangan mo ang susuond na Flavor of the Month. Papel lang ang balot ng mga frozen delights, hindi pa foil, except yung Vanilla Ice Cream Wafer Sandwich nila. May sundae sila na tinatanggal ang top cover at nilalagya sa ilalim para maging base.
- ang Christmas package na inuuwi ng magulang mo ay may kasamang malaking keso de bola at hilaw na Chinese ham (buong leg na nakabalot ng Craft at plastic na net na kulay pula).
- Naabutan mo ang Love Bus (the only aircon public bus), JD (red and black), MCL (Blue and Yellow), DM (white and blue) bus lines. Pati na rin yung bus sa Quiapo na walang pinto pero open yung isang side. Dito raw natutong mag-stuntman is Lito Lapid.
- Pumpunta ka sa music store para tumingin ng LPs, 45, at Jingle magazine o Songhits. Pwede mo lang pakinggan ang plaka kung bibilhin mo na talaga.
- Ang bakla lang sa showbiz ay si Georgie Quizon (utol ni Dolphy) and Sandy Garcia (mestisohin na may bigote, kulot ang buhok, at balbunin).
- Nagkakabuhol-buhol ang cord ng remote control ng Betamax niyo dahil buong araw ka nanonood. Break mo lang ay para kumain, mag-CR, at para lumamig uli ang Betamax unit. Madali pang dumumi ang head kasi hindi pa uso ang rewinder. Kung mayroon man kayo eh one way lang siya, rewinding lang, wala pang option na forward.
- Ang pinakamabentang poster ay kay Shaun Cassidy, Leif GArret, Bruce Lee, Scott Baio, Farrah FAucet, Phebe Cates, at Bo Derek (kuha sa movie na 10). Kung sosyal ka, showbiz magazine mo ay Tiger Beat. Kung baduy ka eh Jingle Extra Hot.
- Pinapanood mo at pinakikinggan ang Menudo with Robbie Rosa as the most sikat of all members. Nakyu-kyutan ka lang kay Ricky Martin kasi sya ang pinakamaliit.
- Royco Chicken Noodle Alphabet Soup ang kinakain mo pag nilalagnat ka, tapos hahaluan mo pa ng Dinurog na Skyflakes.
- Kilala mo ang tawa ni Bert "Tawa" Marcelo. P50 daw ang talent fee niya bawat tawa.
- You shut off your TV and watch the white spot in the middle of the screen slowly disappear.
- Pagandahan ng metal lunchboxes (various cartoon or movie themes), matching Aladdin or Thermos brand (na madaling mabasag ang loob).
- Sumasakay ka sa jeepney na puro kabayo ang hood, tadtad ng mahahabang antenna, at halos ntakpan na ang windshield ng 8-track tapes.
- You enjoy watching the music video of the We Are The World version of the Philippine National Anthem.
- You watch movies at Cinerama sa kanto ng Recto and Quezon Blvd. (Isetann na ngayon), Delta and Circle Theater sa Timog Ave. and Quezon Ave., Rizal Theater sa Makati (Shangri-La Hotel na ngayon), and Magallanes Theater (giniba na).
- Iniinom mo ang Mango Brutus nang madalian sabay sakit ang ulo dahil sa sobrang lamig: brain freeze.
- Bumibili ka ng Cattleya notebooks, Funny Friends scented ballpens,and other school supplies at Alemar's and Gibson's bookstores.
- Lahat ng PBA at Holiday on Ice ay ginaganap sa Araneta Coliseum. Hindi pa uso ang "ending."
- Lahat ng waiter sa Shakey's Pizza Parlor ay may suot na stryropore na sumbrero (yellow, with red strip of paper where "Shakey's" is printed). may mini version din sila para sa dulo ng antenna ng radyo o TV. Panonoorin mo pa kung paano ginagawa ang pizza sa viewing window nila.
- You are home by 12midnight dahil may curfew, kasi nga Martial Law.
- Sa Quiapo at Binondo pa pupunta para makabili ng talagang masarap na hopia. Tapos shopping ka na sa Good Earth Emporium sa Sta. Cruz (Uniwide na ngayon) and be amazed by their candy selection on trays in a conveyor-belt type of machine.
- Naabutan mo ang Maalikaya when it first opened. When it was first raidedand closed. When it was re-opened. When it was re-raided and closed. When it was opened again. When it was raided and closed again. When they opened it again. When they raided and closed it again. When...
Subscribe to:
Posts (Atom)