Ang katipunan ay ang fraternity ni master Andres na naglalayong mapalaya ang Pilipinas sa kamay ng Espanya. Para makasali ka sa Kataastaasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (Katipunan, for short), ang kailangan mo lang ay mag-recruit ka rin ng dalawa pang miyembro na hindi magkakilala (parang networking), tapos magbabayad ka ng entrance fee (parang disco) na isang real fuerte (25 cents) at monthly due na medio real (12 cents). May initiation din, pero sa palagay ko walang pina-paddle at namamatay sa bugbog. At palagaya ko rin, hindi ka na dito pipila ng pagkahaba-haba at pagkatagal-tagal gaya ng sa mga government offices natin na puno ng red tape!
Itinatag ang Katipunan sa mismong gabi ng pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan. Naisip yata ni Bonifacio na kailangang rumesbak. Pero low profile 'tong si Ka Andres, dahil kahit alam n'yang s'ya ang bida sa pelikula, hindi s'ya ang naging presidente ng samahan, ipinaubaya n'ya muna ito kina Deodato Arellano at Roman Basa, tsaka lang s'ya namuno nung hindi s'ya nakuntento sa dalawa pagkaraan ng ilang taong paninilbihan. (Kung mabubuhay si Bonifacion ngayon, tiyak, mamamatay din s'ya sa kunsumisyon dahil sa klase ng mga pamunuan natin. Pero balik muna tayo sa kwento...)
Siyempre pa, pag ganito ka-"cool" ang barkada, meron kayong protocols at mga secret codes. Pero higit sa apat na beses yata nagpalit ng codes sila Boni dati dahil magaling mag decipher ang mga Kastila. (Hackers?)
Sa Tondo ipinanganak si Bonifacio. Erpat n'ya si Santiago Bonifacio at ermat si Catalina de Castro na s'ya namang ina ni Noli de Castro (Biro lang!) Kapatid n'ya sila Ciriaco, Procopio, Espiridona, Troadio at Maxima. (Tunog mga herbal edicine, pero pangalan 'yan ng mga totoong tao noon.)
Mahirap lang sila Andres, pero masipag s'ya. At hindi man pinalad na magkaroon ng magandang edukasyon, lumakinaman s'yang may alam dahil mahilig magbasa. Ilan sa mga paborito n'yang libro ay ang Les Miserables ni Victor Hugo, The Wondering Jew ni Eugene Sue, ABNKKBSNPLAko?! ni Bob Ong (biro lang ulit!), Ruins Of Palmyra, ang International Law, ang Penal and Civil Codes, ang dalawang nobela ni Rizal, mangilan-ngilan pang nobela, iisang aklat tungkol sa French Revolution, at ang The Lives Of The Presidents Of The United States (wala pa noon si Clinton, kaya malamang e wala pang Kama Sutra for Dummies).
Sa edad ng mga kabataan ngayon na walang ginawa kundi mag-Counter Strike, si Andres e nagtatrabaho bilang isang clerk-messenger. At ito ay nang grumadweyt na s'ya sa pagtitinda ng mga papel na pamaypay. Walastik, ang sipag! Naging inspirasyon n'ya ang pag-ibig nina Monica, at Gregoria de Jesus... pero makasunod 'yan, hindi sabay, dahil hindi naman s'ya kasing playboy ni Ka Jose.
Pero kung bakit si Rizal at hindi si Bonifacio ang pambansang bayani natin, at kung ano ang totoong kinalaman ni Aguinaldo sa kwento ni Bonifacio, ay mahabang kwento at ibang usapan na. Ang importante sa ngayon ay nagkaroon ka ng crash course sa nationalism at nalaman mo kung bakit walang pasok pag November 30.
Thursday, October 21, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment