Kapansin-pansin kung paano gamitin ng Pinoy ang boses nya sa pangangalakal. Halimbawa, sino ba naman ang hindi mapapangiti tuwing madadaan sa mga ukay-ukay ng Divisoria at makakarinig sa lalakeng naka-megaphone na sumisigaw ng ganito:
"LAPIT, LAPIT NA... BRIEF PARA KAY KUYA, PANTY PARA KAY BABY... HALUKAYIN, PILI NA, ANIM-ISANG DAAN, <*nakakita ng isang matanda *> OOPS, NANDITO NA SI LOLA BIBILHAN NG BRIEF SI LOLO... HAL-LAH, SIG-GEH,HALUKAYIN NA... <*nakapili na ang matanda*> NAGUSTUHAN NI LOLA ANG PINK NA PANTY... OOPS, IBINALIK... PINALITAN NG PULA... PULA ANG TRIP NI LOLA!!!"
Totoo 'yan, Todong sigaw. Mula pagsikat hanggang paglubog ng araw. Pitong araw sa isang linggo. Tuloy-tuloy.
Ganyan din ang trip ng mga starter o "barker," mga taong taga-sigaw ng biyahe ng jeep at taga-tawag ng pasahero. "CUBAO, CUBAO... DALAWA NALANG, AANDAR NA!" Minsan kahit dalawa na lang ang kasya sa jeep, sisigaw sila ng "Apat pa! Apat pa!" para mapilitan sumakay ang mga pasaherong ayaw sa masikip. Samantalang ang gusto naman ng mga barker e yung tipong magdidikit na yung mga tuhod ng pasahero sa sobrang siksik, at tumbong na lang ang sasayad sa upuan. Pag sinabi nilang "Kasya pa... konting ipit lang po!" patay na. Ibig sabihin noon walang hihinga, kailangan pahintuin ang sirkulasyon ng dugo mo habang nagbi-biyahe.
lamang ang mga barker sa mga manlalako dahil di nila kailangan maglakad, pero mas pwersado naman ang lalamunan nila sa pagsigaw. Isang beses napasakay ako sa jeep na may babaeng barker. Dahil matining ang boses nya, kailangan nya talagang sumigaw nang buong lakas para makipagkumpitensya sa ingay ng mga sasakyan sa daan. Di ko alam kung hahanga ako o maaawa.
Thursday, October 21, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment