Hinamon kahapon ng uupong chairman ng Commission on Human Rights (CHR) ang Philippine National Police (PNP) na ilabas ang biktima sa torture video buhay man ito o patay.
“Buhay o patay man, dapat ilabas ng Manila Police District ang biktima,” ani Loreta Ann Rosales, dating kinatawan ng Akbayan partylist.
Sinabi nito na wala nang dapat aksayahin pang panahon ang MPD para hindi ilabas ang biktima.
Napuno ng luha ng mga naulilang kaanak ang pagsalubong sa mga labi ng dalawang pilotong nasawi sa bumagsak na helicopter kamakailan sa Zamboanga City. Pinagkalooban ng military honor ang nasawing sina Lt. Junior Grade Tamayo at Lt. Tristan Joseph Corpuz kahapon ng alas-nuwebe ng umaga sa Villamor Air Base. (Jonas Sulit)
“Tinukoy na nila ang opisyal na si Senior Ins pector Joselito Binayug kaya ilabas na rin nila ang biktima,” ani Rosales na bikltima rin ng torture noong panahon ng diktadura.
Sinabi ni Rosales na kung sakaling patay na ang biktima ay dapat hanapin kung saan ito inilibing.
“Hindi lamang paglabag sa anti-torture law. Dapat kasong pagpatay na,” ani Rosales.
Sinabi ni Rosales na dapat pabilisin ni PNP chief General Jesus Verzosa ang ginagawang imbestigasyon.
Samantala, kinumpirma kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang lalaking nakaburol ngayon sa isang hindi pinagalanan na lugar ay hinihinalang ang torture victim sa video.
Ito ang lumabas sa isi nagawang re-autopsy ng NBI sa katawan ng nakaburol na lalaki na umano’y biktima ng torture ni Binayug.
Nabatid kay Special Investigator IV Cecilio Zamora, NBI spokesman, ang katawan ng lalaki ay may isang tama ng bala sa mukha at dalawa sa tiyan.
May marka umano ang ari ng lalaki at may tattoo sa likod ng katawan at hita na umano’y kaparehas ng lalaki na nasa video.
Umaasa sina Zamora na makakakuha sila ng malinaw na kopya ng video para tuluyang makumpirma na ang lalaki sa video at ang lalaking nakaburol ay iisa.
“If we got a clearer picture of the video, then tapos na ang boxing,” ayon kay Zamora.
Kaugnay nito, nabatid na dalawang pamilya ang lumutang sa Manila Police District (MPD) at umaangkin na anak nila ang tinorture.
Nakahanda naman ang NBI na pumasok sa pag-iimbestiga sa kaso kung saan ang pangunang hakbang na gagawin, kung sakali, ay ang pagtukoy at paglantad sa biktima.
Habang inihahanda naman ang kasong kriminal laban kay Binayug, hepe ng Asuncion PCP sa Tondo, Manila at 10 pang tauhan ay sisimulan na ang paglilitis sa mga pulis sa bintang na paglabag sa karapatang pantao ng arestadong suspek sa holdap at snatching na nasa torture video.
Ayon kay Chief Supt. Roberto Rongavilla, hepe ng Task Force Asuncion, sisimulan ang proseso dakong alas-dos ng hapon kung saan pagsusumitehin si Binayug at mga tauhan nito ng kanilang counter-affidavit at idepensa ang kanilang mga sarili.
“Kailangang magsumite ang mga suspek ng kanilang counter-affidavit at depensahan ang kanilang mga sarili,” ani Rongavilla.
Sinabi ni Rongavilla na nakakatiyak silang si Binayug ang nagsagawa ng police brutality at torture sa video.
“Andami nang tao ang nagkumpirma na si Binayug nga ang nasa video,” ani Rongavilla.
Bukod sa torture video, iniipon na rin ng PNP ang mga nagdaratingang kaso ni Binayug mula sa iba’t ibang residente na nasaktan nito.
Nakalkal din ng pulisya na si Binayug ay may kaso umano ng pagpatay noong Hulyo 16, 2009.
Ngayon pa lamang, sinabi ni Rongavilla na makakasiguro ang pamil ya ng biktima na walang mangyayaring hukos-pukos sa kaso.
Bilang reaksyon, sinabi naman ni Binayug na, “Bahala na ang abogado ko sa lahat nang isinampang kaso sa akin.”
Aminado si Binayug na mabigat ang kanyang loob sa pagharap sa Internal Affairs Office kaugnay sa kaso ng pag-torture dahil masyado lamang nabigyan ng mataas na atensyon ang naturang kaso kung saan silang mga pulis ang nagmumukhang masama at hindi na naipapakita ang kasalanan ng mga kriminal.
Naging emosyonal din ang pagharap sa media ni Binayug at sinabing labis na ang epekto ng pagkalat ng mga negatibong ulat ukol sa kanya para sa kanyang dalawang anak na nag-aaral.
Umapela ito na bigyan sila ng patas na pagtrato ng media at ilahad din ang mga kaso ng sinasabing biktima ng police brutality.
Saturday, August 21, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment