Thursday, July 29, 2010

MODUS NG WANGWANG ADDICT: AMBULANSYA!


Walang counter flow, walang wangwang! Ito ang umalingawngaw na polisiya ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang inagurasyon.


Itinakda mismo ni PNoy ang kanyang sarili bilang ehemplo sa pagwaksi sa wangwang at counter flow, patunay ito ng sunud-sunod na pagkaipit sa trapiko ng Pangulo at pagka-late sa kanyang mga appointments.


Kapansin-pansin naman sa kalsada ang tuluyang pagkawala ng wangwang, gayundin ang counter flow.


Pero mayroon tala gang matatawag na “wangwang addict” at upang makaiwas sa suspensyon at pagmumulta, nakaisip ng gimik ang mga ito---ang paggamit ng ambulansya, tanging sasakyan na makakagamit ng wangwang kung may isinusugod na pasyente sa pagamutan.


Ang gimik na ito ay nasaksihan sa South Luzon Expressway (SLEX) noong nakaraang linggo, araw ng Martes. Dalawang sasakyang nagtataglay ng red plate o pang-gobyerno lang, ang may kaagapay na dalawa ring ambulansya. Sige ang wangwang ng mga ambulansya na puno ng mga kalalakihang mistulang mga bodyguards.


Walang wangwang, walang counter flow? Ambulansya lang ang katapat nito!


0 comments:

Post a Comment

 

Kuwentong Pinoy. Copyright 2010 All Rights Reserved