Thursday, July 29, 2010

PNOY ‘DI AATRAS SA ESKANDALO!


Binigyan-diin kahapon ng Malacañang na si Pangulong Benigno Aquino III ang tatayong chief communicator ng national government at ngayon pa lamang ay hayagan umano nitong kakaharapin ang anumang eskandalo ng kanyang administrasyon, taliwas sa na ging istratehiya ng nakaraang administrasyon ni da ting Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.


Ito ang tiniyak kahapon ni Communications Group Secretary Herminio Coloma na nagsabing bagama’t nakapwesto na ang mga opisyal ng ComGroup ay si Aquino pa rin, sa pangkalahatan, ang tatayong chief communicator nila kung saan wala umanong plano ang huli na lumikha ng media gimmicks at magsinungaling para lamang mapag-usapan o makalusot sa anumang kontrobersya.


“No gimmicks. We will tackle controversies. We’re not in the business of manufacturing stories, of spinning. Iiwas kami na magkaeskandalo pero kung mangyayari, we will apply the twin values of transparency and accoun tability,” ani Coloma.


Magpapakatotoo umano si Aquino sa pagbibigay ng impormasyon sa taumbayan sa pamamagitan ng ComGroup at iiwas na magkaroon ng special treatment sa anumang media group o entity.


Samantala, inamin naman ng ComGroup na malaking hamon sa kanila ang mataas na popularidad ni Aquino at kung papaano ito mamantini ngunit ito ay papatunayan nila sa pamamagitan ng magandang performance. Wala rin umanong intensyon na i-project si Aquino bilang isang “masa President” dahil kung ano umano ang nakikita ng taumbayan dito ay pawang totoo dahil wala umanong pretensyon sa sarili ang chief executive.


Kumpiyansa si Coloma na ang pagiging totoong tao umano ni Aquino ang makakapagmantini sa mataas nitong popularidad tulad ng 85% trust ratings nito sa Pulse Asia survey.


Samantala, maliban sa social networking na tweeter at facebook ay balak din umano ng ComGroup na gamitin ang text messa ging sa pagpapakalat ng impormasyon sa taumbayan ngunit isinasaayos pa nila ang istraktura para rito.


Pinag-aaralan din umano ng ComGroup ang pagkakaroon ng closure sa sequestration ng mga government TV\radio stations kundi man ay papaunlarin ang kapasidad ng mga ito.

0 comments:

Post a Comment

 

Kuwentong Pinoy. Copyright 2010 All Rights Reserved